Sabado, Hunyo 11, 2011

Diksunaryo ng Salamangkero

Pag-popoder
      - paraan upang makamit ang kapangyarihan at basbas at ang kakayahang kakapag-pagana ng orasyon.
Kung hindi ka nakakapag-poder, at umuusal ka  ng orasyon, maaaring sarili mo o bumalik sayo o ikaw ang maapektuhan at masktan. Kinakailangan ng patnubay ng eksperto, pero para sa akin, ito ang ikatlong hakbang upang makamit mo ang pagiging "salamangkero".

Llave o Susi
      - ito ay ang isa sa mga laman mg agimat, uri ng orasyon na kung saan kung magkagipitan na, ito nlang ang iyong iuusal.

Talandro
      -isang uri ng agimat na gawa sa tela.

Retablo
   - isang agimat na gawa sa papel.

Medallion
   - isang agimat o anting anting naisinusuot sa leeg o inilalagay sa wallet.

Cabal
      - isang karunungan para hindi tablan ng anumang nakamamatay na bagay.

Lana
      - langis na gawa sa nyog, konsagrado na kadalasang ginagamit sa may mga karamdaman.

Lihis mata o Tagabulag
      - isang uri ng karunungan upang hindi makita ng iba kahit nasa tabi-tabi ka lamang.

Orasyon
      - kahalintulad ng dasal ngunit ito'y nataas na uri sapagkat ang mga salitang ginagamit dito ay galing sa Diyos, kay Jesus , Maria at iba pa.

Palipad-hangin
      - ang paraan upang ang masamang espiritu ay sumama sa hanign at tumapat sa biktima hindi katulad ng baba o sakay.

Baba o Sakay
      - ang paraan upang ang masamang espiritu ay naka baba sa batok o sa balikat ng may sakit.

7 Byernes
      - kabuoan ng 49 na araw na magsisimula sa unang Byernes ng anumang month, karaniwan ito sa mga pag-papakain ng orasyon sa agimat para gumana.

Tigalpo
      - ang karunungan upang makasakit ng kapwa. Matatawag rin itong 'pag-sumpa'.

Librito
      - ang maliit na libro o aklat na pinaglalagyan o sinusulatan ng mga orasyon, testamento, retablo, at iba pa. Madalas ito ang mga handbook ng mga salamangkero.Nakatala rin dito ang iba't - ibang orasyon.

4 (na) komento: