Sabado, Hunyo 18, 2011

Ang kapangyarihan ng "Sumasampalataya"

Mula sa papa ko, sabi nya daw na ang Sumasampalataya ay isa ring orasyon,
ang pagbanggit daw ng pabaligtad nito ay hindi ka tatablan ng bala ng baril, at ang dasal hanggang sa "ipinako sa krus 3x " sabay krus sa lupa ng 3 beses at iwasiwas ang hawak na armas katulad ng itak kung sakaling may mga nag-titrip sa yong mga elemental o spiritual, bigla ka nilang titigilan.

Basta wag lang kakaligtaang mag-simula sa Sumasampalataya pagdating sa ipinako sa krus , banggitin ng 3 beses at mas magandang gamitin ang itak na ipakrus 3 beses sa lupa at kasa iwasiwas,.
Pero syempre dapat may "pananampalataya ka". Kailangang ipakita mong mas malakas ka sa kanya at wag kang padadaig.


Ang kwento kasi ng papa ko, may kamag-anak daw sya sa probinsya ng Pangasinan, dadaan sya sa maraming nakahelerang puno ng kawayan, nung papasok na sya, bigla daw nagsiyukuan ang mga kawayan, ang ginawa lang daw nya, kinuha nya ang itk nya ,nagdasal ng "SUMASAMPALATAYA" hanggang ipinako sa krus, yung " ipinako sa krus " 3 beses binanggit sabay nagkrus sa lupa ng 3 beses gamit ang itak sabay wasiwas ng itak, tapos non, tumayo na ulit ang mga kawayan.


(pag-ako talaga nag-kwento, parang hindi totoo, kung ganon ang magiging perception nyo sa post ko, bahala kayo basta ito ang mga narinig ko sa aking itay.)

3 komento:

  1. hindi pa kasi hindi pa naman ako manggagamot.
    kwento lang ng papa ko at magpapatunay daw nyan yung pinsan ko.

    TumugonBurahin
  2. siguro dahil na rin sa sumasampalataya ka ,tunay na mapapagaling mo.

    TumugonBurahin