Miyerkules, Hunyo 29, 2011

Librito

Mga dapat tandaan sa pagtataglay ng Librito.

Librito ,kung saan nakatala ang mga orasyon, at iba pa.

1. Hindi dapat ipahawak sa iba , ni i-pakita , i-pahipo.
2. Huwag rin itong pahakbangan kahit kanino.
3.Sa pagbabasa ng mga nilalaman nito, gamitin lamang ang isip sa pagbabas nito, huwag pabulong at dapat walang lalabas na mga salita sa bibig mo.

Sabi nila , mananatili ang bisa nito kung susundin mo ang mga nasabi sa itaas.


Good luck sa mga beginners.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

3 uri ng salamangka

Puting Salamangka

      - ang salamangka na ginagamit para kadalasan , makatulong , makagamot sa mga nangangailangan.
      - kalaban ng Puti ang Itim kaya kadalasan nagtatagumpay ang puti dahil ito ang kulay ng kapang yarihan ng Diyos, at walang binatbat ang iti sa puti.
      - nakatutulong rin ang salamangkang puti sa mga pagpapalayas ng mga masasamang ispiritu sa mga sinasapian.
    Ex.  Deliverance
           Excorcism


Abo na Salamangka

      - kadalasan ito yung salamangka sa mga taong buhay ay trippings,..
       Ex. Palubag-loob
             Lihis-mata
             Walk-under-water




Itim na Salamangka

      - kasuklam-suklam na uri ng salamangka na kadalasang ginagamit para makapaghiganti , makapanakit at makapatay ng tao,.


      Because dahil sapagkat ngunit subalit datapwat (paborito ko talaga tong line) sabi ng Nostradamus ng asia na si jojo A. Acuin , na nagpaunlak ng no-holds-barred-interview with Roland ,

      Roland : Totoo bang ang lahat ng psychic ay nagpapraktis ng black  & white magic?
   
      Jojo : Hindi ako naniniwala sa black or white magic. All i know is to believe in God, the Almighty One. Ang i believe sa mga taong kausap ko.

   kayo na ang humusga sa tamang paraan.


(sa ngayon, ito muna ang huling post ko, magiipon pa kasi ako para sa costume spara sa "cos-play" ng school namin, paki-pray nyo na rin nasana makaipon ako, maagang pagpapasalamat sa mga mananalangin, salamat.)

Sabado, Hunyo 18, 2011

Ang kapangyarihan ng "Sumasampalataya"

Mula sa papa ko, sabi nya daw na ang Sumasampalataya ay isa ring orasyon,
ang pagbanggit daw ng pabaligtad nito ay hindi ka tatablan ng bala ng baril, at ang dasal hanggang sa "ipinako sa krus 3x " sabay krus sa lupa ng 3 beses at iwasiwas ang hawak na armas katulad ng itak kung sakaling may mga nag-titrip sa yong mga elemental o spiritual, bigla ka nilang titigilan.

Basta wag lang kakaligtaang mag-simula sa Sumasampalataya pagdating sa ipinako sa krus , banggitin ng 3 beses at mas magandang gamitin ang itak na ipakrus 3 beses sa lupa at kasa iwasiwas,.
Pero syempre dapat may "pananampalataya ka". Kailangang ipakita mong mas malakas ka sa kanya at wag kang padadaig.


Ang kwento kasi ng papa ko, may kamag-anak daw sya sa probinsya ng Pangasinan, dadaan sya sa maraming nakahelerang puno ng kawayan, nung papasok na sya, bigla daw nagsiyukuan ang mga kawayan, ang ginawa lang daw nya, kinuha nya ang itk nya ,nagdasal ng "SUMASAMPALATAYA" hanggang ipinako sa krus, yung " ipinako sa krus " 3 beses binanggit sabay nagkrus sa lupa ng 3 beses gamit ang itak sabay wasiwas ng itak, tapos non, tumayo na ulit ang mga kawayan.


(pag-ako talaga nag-kwento, parang hindi totoo, kung ganon ang magiging perception nyo sa post ko, bahala kayo basta ito ang mga narinig ko sa aking itay.)

Sabado, Hunyo 11, 2011

Pagpopoder 3

Isa ring mabisang poder ito, nakuha ko lang sa isang blog , ma pinamagatang
"PODER DIVINO"

tinatawag ring " Divine Poder ".
Dahil ang poder na ito ay galing sa Diyos.

Kailangan itong iusal kapag bumangon sa umaga at bago matulog sa gabi.


BENEDICTAM REENEDICTAM

VENIT MACULATAM
ELEBATE ELEBILA ELICULAPA ELEBINA
EGRA EGRAYOM EGROMIT
EREYSUM AYISMUTUM

"Poderin NYO KO SA LAHAT NG ORAS" (3X)


at isunod ,



SARACTUM TUMACTUM
MARUCAM PACAS SASAC
MISAC PATER AMAC
PATER ANAC PATER ESPIRITU

" Ako Ang Makapangyarihan"

EGOSUM AOE-UI ( AWE-WEE)

(1X)


Sa nabasa nyong pagpopoder 1,2 at 3, kayo na ang pumili lung ano ang nais nyo , marami pang klase ng poder pero hanggang dito nlang , kayo nlang ang tumuklas ng mga ito.

Pagpopoder 2

Ito ang ginagamit kong poder , dinarasal ko kapag Alas 6 ng hapon o kapag nag-agaw na ang liwanag at dilim.

JESUS IGNUM
JESUS MITUM
JESUS ENGRELLATUM

Sinasabing ang poder na ito ay lubhang mabisa na kapag gumamit ka ng itim na salamangka, daranas at maghihirap ka ng kamalasan o negative karma.

Pagpopoder 1

Ang pagpopoder ay isang hakbang upang makamit anbg mataas na antas ng espiritual bilang isang salamangkero.

Ang pagpopoder ay puno ng sakripisyo at debosyon, oras at panahon.

Upang simulan , ang pagpopoder ay madalas na ginaganap tuwing alas 6 ng hapon o gabi kung nagaagaw na ang liwanag o dilim. Mas maganda kung gagawin mo ito ng 7 Biyenes (basahina ang kahulugan sa Diksunaryo ng Salamangkero) at saka ka lamang maaaring mag-usal ng orasyong gusto mo.

Pangalawa, ang sabi sa Mateo 6:6 ,

"Pumasok ka sa iyong silid. Saka ka  manalangin sa iyong Amang hindi nakakakita at gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang ginawa mo ng lihim...."

Para simulan, mag-alay ng ,

3 ama Namin
3 Aba Ginoong Maria
3 Sumasampalataya

at isunod ang

"HAEC DONAHAEC MUNERA HAEC SANCTA SACRIFICIA ILLIBATA ALSASSES LATORES CAENIG AOEUI ADNACELIM GAIGAPANANIGAN MEC MAC MASUD UHA AHA HAH JOHAOC ABHA HICAAC JUA AHU HAI
AC-ACDU-ACDUM-ACDUDUM
JESUCHRISTO SALVAME YASHUWAH SALVAME.
JAH AHA HAH.

Diksunaryo ng Salamangkero

Pag-popoder
      - paraan upang makamit ang kapangyarihan at basbas at ang kakayahang kakapag-pagana ng orasyon.
Kung hindi ka nakakapag-poder, at umuusal ka  ng orasyon, maaaring sarili mo o bumalik sayo o ikaw ang maapektuhan at masktan. Kinakailangan ng patnubay ng eksperto, pero para sa akin, ito ang ikatlong hakbang upang makamit mo ang pagiging "salamangkero".

Llave o Susi
      - ito ay ang isa sa mga laman mg agimat, uri ng orasyon na kung saan kung magkagipitan na, ito nlang ang iyong iuusal.

Talandro
      -isang uri ng agimat na gawa sa tela.

Retablo
   - isang agimat na gawa sa papel.

Medallion
   - isang agimat o anting anting naisinusuot sa leeg o inilalagay sa wallet.

Cabal
      - isang karunungan para hindi tablan ng anumang nakamamatay na bagay.

Lana
      - langis na gawa sa nyog, konsagrado na kadalasang ginagamit sa may mga karamdaman.

Lihis mata o Tagabulag
      - isang uri ng karunungan upang hindi makita ng iba kahit nasa tabi-tabi ka lamang.

Orasyon
      - kahalintulad ng dasal ngunit ito'y nataas na uri sapagkat ang mga salitang ginagamit dito ay galing sa Diyos, kay Jesus , Maria at iba pa.

Palipad-hangin
      - ang paraan upang ang masamang espiritu ay sumama sa hanign at tumapat sa biktima hindi katulad ng baba o sakay.

Baba o Sakay
      - ang paraan upang ang masamang espiritu ay naka baba sa batok o sa balikat ng may sakit.

7 Byernes
      - kabuoan ng 49 na araw na magsisimula sa unang Byernes ng anumang month, karaniwan ito sa mga pag-papakain ng orasyon sa agimat para gumana.

Tigalpo
      - ang karunungan upang makasakit ng kapwa. Matatawag rin itong 'pag-sumpa'.

Librito
      - ang maliit na libro o aklat na pinaglalagyan o sinusulatan ng mga orasyon, testamento, retablo, at iba pa. Madalas ito ang mga handbook ng mga salamangkero.Nakatala rin dito ang iba't - ibang orasyon.

Ang pagkakaiba ng "dasal sa "panalangin"

Ang pagkakaiba ng "dasal sa "panalangin", ang dasal paulit-ulit na binabanggit at ang panalangin naman yung panalangin na hindi paulit-ulit.

Pansinin ang ginagamit ng mga Kristiano sa hindi Kristiano ngayon,  ang Kristiano nagsasabing
" Nagdadasal ako tuwing Alas 6 ng hapon.", samantalang ang hindi Kristiano ay nagsasabing "manalangin tayo, Amang...." .

Sa makatuwid ang pag-gamit ng "dasal ay paulit-ulit katulad ng ama Namin, Sumasampalataya, habang ang panalangin ay direktahan.

see the difference?

Huwebes, Hunyo 9, 2011

Bakit ko ginawa ang blog na ito?

1. Para makatulong sa mga baguhang nagaaral/magaaral ng "karunungang lihim" katulad ko.

2. Para makapag-share ng mga nalalaman ko ukol dito.

3. To gain more friends.

4. Para ipakita at ipaalala na ang Diyos lamang ang Makapangyarihan sa lahat.

5. Ang blog na ito'y hindi naglalaman ng mga karunungang magpapahamak ay ikakasakit ng iba.
Paki-basa ang Mateo 22:34-40. Sana maliwanagan ka, kaibigan